BAN Toxics, nagbabala sa ilang mapanganib na pambatang tsinelas na nabibili online

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ngayon ng toxic watchdog na BAN Toxics ang publiko na maging mapanuri sa mga binibiling tsinelas pambata.

Kasunod ito ng mga nagkalat na kiddie plastic slippers na ibinebenta online dahil sa posibleng taglay nitong mapanganib na kemikal na maaaring magdulot ng seryosong panganib sa mga bata.

Ayon sa grupo, sinuri nito ang ilang pambatang tsinelas na available sa mga online selling platforms at nagkakahalaga lang ng ₱45-₱55 kada pares.

Dito lumabas ang mataas na toxic lead at polyvinyl chloride (PVC) sa bawat tsinels na lubhang delikado sa mga bata.

Ayon kay Thony Dizon, Advocacy and Campaign Officer ng BAN Toxics, hindi dapat hinahayaan ang pagbebenta ng mga ganitong produkto na maaaring maglagay sa panganib sa kalusugan ng mga bata.

Umaasa rin itong mas maghihigpit ang mga online shopping platforms sa kanilang quality control measures. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us