Nadagdagan pa ang bilang ng mga residenteng apektado ng malakas na pag-ulan at pagbahang dulot ng shearline.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, as of December 3 ay umakyat pa sa 13,192 pamilya o katumbas ng 55,000 indibidwal ang apektado ng kalamidad sa Bicol Region at Western at Central Visayas.
Kaugnay nito, umakyat na rin sa 431 na pamilya o 1,445 indibidwal ang nananatili sa 31 itinalagang evacuation centers.
Habang mayroon ding 26 pamilya ang pansamantalang nakitira muna sa kaanak.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang buhos ng tulong ng Department of Social welfare and Development (DSWD) katuwang ang mga lokal na pamahalaan at NGOs sa mga apektadong residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa