Panukala para gawing 6 na taon ang termino ng BSK officials, aprubado na sa komite sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng House Committee on Local Government ang Substitute Bill na layong gawing anim na taon ang termino ng Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) officials mula sa kasalukuyang tatlo.

Sakaling maisabatas, magsisimula ang 6-year term kasunod ng isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa 2029.

Hanggang dalawang magkasunod na termino maaari magsilbi ang mahahalal na Barangay officials habang hindi naman hihigit sa isang term ang para sa mga opisyal ng SK.

Magsisimula ang term of office ng mga mahahalal na BSK officials tanghali ng ika-13 ng Hunyo kasunod ng kanilang eleksyon.

Ang mga kasalukuyan namang opisyal ng BSK ay mananatili sa kanilang posisyon hanggang sa makapaghalal ng bagong mga opisyal sa 2029 maliban na lang kung sila ay maaalis o masuspinde ng mas maaga.

Maaari pa ring tumakbo sa May 2029 Elections ang mga nanalo na nitong October 2023.

Ngunit ang mga Barangay elective officials na nasa kanila nang ikalawa o ikatlong sunod na termino ay hindi na maaaring tumakbo para sa re-election sa May 2029. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us