Hindi bababa sa dalawang residente ang sinaklolohan matapos sumiklab ang sunog sa Brgy. Barangka Ulaya sa Mandaluyong City kaninang madaling araw.
Batay sa ulat ng Philippine Red Cross (PRC), isang pasyente ang isinugod sa Mandaluyong City Medical Center matapos magtamo ng 1st degree burns.
Habang isa pang pasyente ang inalalayan din ng Red Cross matapos namang mahirapan sa paghinga dahil sa sunog.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog pasado alas-2 ng madaling araw partikular na ang residential area sa bahagi ng Lion’s Road.
Umakyat pa sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula mag-aalas-6 ng umaga.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng BFP hinggil sa pinsalang iniwan ng sunog at kung ano ang pinagmulan nito. | ulat ni Jaymark Dagala