Bilang host country ngayong taon, malugod na tinanggap ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang mga delegado sa ikaapat na Board Meeting ng Fund for Responding to Loss and Damage (FrLD) Board na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang FrLD ay idinisenyo para suportahan ang mga climate-vulnerable developing countries.
Kasunod ito ng katatapos na 29th Session ng Conference of Parties (COP29) sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).
Ang pagpupulong ng FrLD Board ay magtatagal hanggang December 5 kung saan kasama sa pulong ang Board members, alternate Board members, advisers, observers, at Interim Secretariat mula sa 44 na bansa.
Kabilang naman sa pangunahing paksa sa naturang Board meeting ang pagpapatakbo ng pondo sa pamamagitan ng isang bottom-up country-led approach na magpapaigting sa pagugon ng mga bansa sa halaga ng pinsala ng mga sakuna at kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa