Aabot na sa 83% ang completion rate ng CAMANA (Caloocan-Malabon-Navotas) Water Reclamation Facility ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad).
Ayon sa Maynilad, ang P10.5-B pasilidad na matatagpuan sa Maypajo, Caloocan ay inaasahang magpapahusay sa mga serbisyo ng sewerage sa pamamagitan ng pagproseso ng hanggang 205 milyong litro ng wastewater kada araw.
Target na matulungan nito tinatayang 1.2 million customers sa South Caloocan, Malabon at Navotas.
Inaasahang makakaambag din ito sa paglilinis ng Manila Bay at pagpapabuti ng kalagayan ng mga daluyan ng tubig sa lugar.
Target na matapos ang CAMANA Water Reclamation Facility sa taong 2025. | ulat ni Merry Ann Bastasa