Inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul ang lahat ng mga Pilipino sa bansang Korea na manatiling kalmado sa gitna ng mga mahahalagang kaganapan doon.
Matatandaang kagabi ay nagkaroon ng deklarasyon ng Martial Law sa nasabing bansa bagamat ito ay agad din namang pinawalang bisa.
Paalala ng embahada sa mga pinoy sa Korea – sumunod sa mga abiso na ipapalabas ng mga autoridad ng bansang Korea.
Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Seoul na patuloy itong magbibigay ng mga kaukulang update o abiso kaugnay sa sitwasyon sa Korea. | ulat ni Lorenz Tanjoco