Financial portfolio ng Asian Development Bank sa bansa, dodoble sa susunod na mga taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) at Asian Development Bank (ADB) para talakayin ang mas maigting na pag-audit sa mga foreign-assisted projects, public debt audit at reporma sa Public Financial Management (PFM).

Bahagi ng agenda sa idinaos na pulong ang PFM Inter-Agency Initiative for Green Lane Fiduciary Arrangements na parte ng international commitments ng COA.

Sa pangunguna ni COA Chairperson Gamaliel Cordoba, nagbigay ang COA ng pagsusuri sa mga proyektong pinopondohan ng ADB.

Pinuri naman ng ADB ang papel ng COA para matiyak na epektibo at maayos ang financial management systems.

Sa pahayag ng COA, tinalakay ng ADB ang project portfolio nito sa Pilipinas.

Ayon sa ADB, patuloy ang pagtaas ng financial portfolio nito sa Pilipinas at inaasahang tataas pa ng mahigit 100 percent sa susunod na tatlong taon.

Kasama sa pulong ang pagtalakay sa Project Level Financial Management Issues sa ilalim ng Expanded Social Assistance Project (ESAP), Angat Water Transmission Improvement Project (AWTIP), at Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 o HEAL.

Maliban kay Cordoba, bahagi ng delegasyon ng Pilipinas sa nasabing pulong sina Assistant Commissioners Martha Roxana Sese, Adela Dondonilla, at Alexander Juliano, Directors Corazon Rocas, Marilyn Briones, Haide Espuelas, at Olympia Balugay, at OIC Assistant Directors Ameer Gamama, at Eumaida Tiongson.

Dumalo din ang mga Supervising Auditors mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Local Water Utilities Administration, at Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Sa panig ng ADB, dumalo si ADB Philippines Country Director Mr. Pavit Ramachandran kasama si Ruth Farrant (Director, Public Financial Management [PFFM] 2), at iba pang mga opisyal.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us