Nagtipon-tipon ang iba’t ibang grupo na nakaanib sa Civil Society Organization- Peace Networks (CSO-PN) para magsagawa ng panawagan sa mga senador sa harap ng Senado.
Ayon kay Federation of Bangsamoro Coordinating Council of the Philippines leader at CSO-PN Spokesperson Abdulhadi Daguit, humihiling sila sa mga nasa kapangyarihan na ma-extend hanggang 2028 ang Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Mas makakatipid aniya ang bansa dito at mas magiging mahaba ang paghahanda para sa halalan.
Una nang sinabi ng Comelec na kakailanganin ng pamhalaan ng dalawang bilyong pisong pondo para magsagawa ng hiwalay na eleksyon sa BARMM para sa 2026.
Paliwanag ni Daguit, kung magkakaroon man ng halalan ay gawin na ito sa 2025 o i-extend na lang ng hanggang 2028 para hindi na mapagastos ang publiko.
Nanawagan din ang grupo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagbigyan ang kanilang kahilingan para na rin sa kapakanan ng nakararami. | ulat ni Lorenz Tanjoco