MERALCO, nagpaalala hinggil sa ligtas na paggamit ng kuryete ngayong Kapaskuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Manila Electric Company (MERALCO) sa mga customer nito na ugaliin ang ligtas na paggamit ng kuryente upang maging ligtas at maliwanag ang pagdiriwang ng Pasko.

Ayon sa MERALCO, dapat gumamit ng Christmas lights na may quality control markings o di kaya’y suriin ang mga lumang Christmas lights na gagamitin lalo pa’t banta sa sunog ang mga basag at sirang ilaw nito.

Iwasan ang paggamit ng mga pako, thumb tacks, at stapler sa pagkakabit ng mga Christmas light dahil ito’y maaaring maging sanhi ng pagkasira na siya namang magdudulot ng sunog.

Iwasan ang ‘octopus’ connection at overloading dahil ito ang isa sa mga karaniwang sanhi ng sunog lalo na kung sabay-sabay ang gamit ng appliances.

Tanggalin sa pagkakasaksak ang mga Christmas light at iba pang appliance na hindi ginagamit lalo na kung aalis ng bahay.

Panghuli, tiyaking may nakahanda na fire extinguisher sa bahay upang agad na may pang-apula ng sunog sakaling sumiklab ito.

Samantala, inanyayahan ng MERALCO ang publiko na bisitahin ang kanilang Liwanag Park sa punong tanggapan nito sa Ortigas, Pasig City na bukas hanggang sa December 31. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us