Foreign Ministry ng China, iginiit na tama ang kanilang ginawang pambobomba ng tubig sa mga barko ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian na naaayon, nasa batas, at propesyunal ang kanilang ginawang pangha-harass sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Jian, ang Huangyan Dao o Scarborough Shoal ay dati na umanong pag-aari ng China.

Giit pa ng nasabing opisyal na ginawa nila ang naturang hakbang para protektahan ang sinasabi nitong teritoryo nila.

Nanawagan din ito sa Pilipjnas na itigil na ang umanoy panghihimasok at huwag nang hamunin ang layunin ng kanilang bansa na depensahan ang kanilang pansariling interes.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us