Masaya ang mga suki sa Kamuning Market sa Quezon City sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo kiosk lalo na ang bentahan ng P40 kada kilong bigas sa Palengke.
Kabilang sa maagang nakabili rito sina Tatay Oscar at Willy na laking tuwa sa natipid dahil sa murang bigas.
Ayon kay Tatay Oscar, mahalaga ang murang bigas para sa kanilang mga senior citizen na wala nang pinagkakakitaan.
Ang matitipid niya raw sa budget sa bigas, maibibili pa ng pang-ulam.
Bumili rin ng sampung kilo si Tatay Willy na babalik balikan raw ito lalo na kung masarap isaing.
Makikita lang sa bungad ng Kamuning Market ang Kadiwa ng Pangulo kiosk kung saan nakasalansan na rin ang mga nakabalot ang bigas na tig-lilimang kilo sa halagang P200
Samantala, nagabiso naman ang DA na hindi muna tuloy ngayong araw ang bentahan ng P40 kada kilong bigas sa piling istasyon ng MRT at LRT
Patuloy pa kase ang pakikipagusap nila sa mga pamunuan ng tren para masiguro ang maayos na espasyo para sa Kadiwa ng Pangulo kiosk at seguridad na rin ng mga pasahero.
Posibleng masimulan ang pagbebenta ng murang bigas sa mga tren sa susunod na linggo. | ulat ni Merry Ann Bastasa