Pinaliwanag ni Senate President Chiz Escudero na posible pa ring magkaroon ng impeachment trial kahit pa naka session break ang kongreso.
Ayon kay Escudero, ang impeachement process ay hindi naman isang sesyon na kailangang sabay din sa na nagsesesyon ang kamara.
Kakaiba aniya ang impeachment proceedings dahil ito ay pagpapasyahan ng impeachment court.
Giniit ng senate president na trabaho ng senado na dinggin ang impeachment oras na umakyat ito sa kanila.
Gayunpaman, kailangan pa aniyang suriin at pag-aralan kung ano ang mangyayari kung maabutan ng 20th congress ang impeachment. | ulat ni Nimfa Asuncion