Hindi kinakaila ni Senate President Chiz Escudero na posibleng maapektuhan ng impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan o business sector sa Pilipinas.
Tugon ito ng mambabatas sa pangamba ng ilan na baka ma-discourage ang mga foreign investors na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa mga kaganapan sa pulitika ng ating bansa.
Sa kapihan sa senado, sinabi ni Escudero na anumang politically divisive issues sa isang bansa ay palaging makakaapekto sa kumpiyansa ng mga negosyante maging sa ordinaryong pagtakbo ng pamahalaan.
Gayunpaman, binigyang diin ng senate leader na sa ngayon ay kampante pa rin ang economic managers ng ating bnasa dahil hindi pa naman natutuloy ang impeachement proceedings.
Pinunto rin ni Escudero na hamon para sa lahat ng opisyal ng gobyerno ang pagpapanatili ng stability ng bansa at kumpiyansa ng mga investor dahil wala naman aniyang hindi gustong maging maayos ang lagay ng bansa.
“Posibleng maapektuhan, oo. Pero ayon sa economic managers sa ngayon dahil sa hindi pa nga natutuloy puro tsismis at usapan lamang ‘to kampante pa rin ang economic team ng pangulo na ito ay hindi makakaapekto hangang sa pagtatapos ng economic numbers ng ating bansa sa taong ito… Challenge sa ating lahat ito, lahat ng opisyal kabilang na yung mga opisyal na involve pabor man o kontra sa administrasyon dahil siguro naman walang opisyal ng bansa na ayaw maging maaayos ang takbo ng pamahalaan at ng bansa. Wala ring ordinaryong Pilipino na gustong magkagulo ang ating bansa” Senate President Chiz Escudero | ulat ni Nimfa Asuncion