Pinabulaanan ng mga senador ang impormasyon na lumabas sa isang pahayagan tungkol sa pagkakaroon diumano ng kudeta sa Senado.
Sa naturang impormasyon, sinasabing si Senadora Cynthia Villar ang napipisil na pumalit kay Senate President Chiz Escudero sa pwesto bilang pinuno ng Senado.
Tugon naman ni Villar, hindi totoo ang impormasyon na ito.
Aniya, patapos na ang 19th Congress kaya bakit pa ito guguluhin.
Tinawag naman ni Deputy Majority leader JV Ejercito na chismis lang ang ito.
Ayon kay Ejercito, maayos naman ang pamamahala ni Escudero at kuntento naman sila dito.
Wala rin aniyang lumalapit at kumakausap sa kanya tungkol sa sinasabing kudeta sa Senado.
Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na haka-haka lang ang lumabas na ulat.
Dagdag pa ni Estrada, dapat na manatili na Senate President si Escudero dahil kung sakaling umakyat sa Mataas na Kapulungan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay mainam na isang abogado ang magpe-preside.
Samantala, ayaw naman magkomento ni Escudero sa mga chismis lang.| ulat ni Nimfa Asuncion