Nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito’y makaraang ipag-utos ng Pangulo ang pagbibigay ng Php 18,000 hanggang Php 20,000 Service Recognition Incentive (SRI) para sa mga Public Scool Teacher at non-teaching personnel.
Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, ang desisyon na ito ng Pangulo ay patunay na binibigyang halaga nito ang mga nasa sektor ng edukasyon.
Dagdag pa ng Kalihim, makikinabang sa nasabing insentibo ang nasa mahigit 1 milyong DepEd personnel sa buong bansa kaya’t tiyak aniyang magiging maganda ang pagsalubong ng mga ito sa Pasko at Bagong Taon.
Kanila ring ipinagpapasalamat ang handog ng Pangulo na kumikilala sa sakripisyo at serbisyo ng mga Guro.
Dahil dito, sinabi ni Angara na makikipag-ugnayan sila sa Department of Budget and Management para tiyaking maisasakatuparan sa lalong madaling panahon ang pagpapalabas ng insentibo na naaayon sa batas. | ulat ni Jaymark Dagala