Pinasusuri ngayon ni Murang Pagkain Supercommittee overall chair Joey Salceda sa Bureau of Internal Revenue ang binabayarang buwis ng mga top rice importers, matapos madiskubre ang posibleng profiteering sa rice trade.
Aniya, bilyong pisong halaga ang iniimport ng mga kompanyang ito at dapat itong makita sa binabayaran nilang buwis
“Congress cannot request tax filings. They are protected by Section 270 of the Tax Code. But the BIR can verify their own assessments and records. These top importers are importing in the billions. So, their tax payments should reflect that,” ani Salceda.
Kung kakitaan aniya ng tax evasion, maaari na pumasok ang Anti Money Laundering Council sa kanilang mga transaksyon.
Punto ng economist solon, noon ay nasa 3 pesos lang ang gap sa pagitan ng landed cost at retail price ng imported na bigas, ngunit ngayin ay lumobo ito sa 20 pesos.
Kaya malinaw aniya na may pang aabuso sa presyuhan at kailangan na lang matukoy kung saan ito nangyayari.
“This is just short of being supernatural. There is clearly pricing abuse— we just need to pinpoint at which stage. We will be calling in the big retailers and big retailers wholesalers next. Much of the profiteering seems to be in that sector, as well.” dagdag ni Salceda
Bukod dito, mayroon ding indikasyon ng hoarding dahil sa mataas na rice inventory ng bansa habang dinidelay naman ang paglalabas ng inangkat na bigas mula sa mga pantalan.
“These are signs of both speculation and possibly hoarding. They could be speculating that the lower import tariffs will be reverted to previous levels.” saad pa niya.
Mayroong executive session ang Komite ngayong araw kasama ang Department of Agriculture para alamin ang kanilang mga hakbang ang manipulasyon sa rice trade. | ulat ni Kathleen Forbes