Umaapela ang Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity sa mga rebelde na magkaroon ng tigil putukan alang-alang sa diwa ng Pasko.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Sec. Carlito Galvez na dapat isaalang-alang ng mga rebelde ang kapayapaan, pagmamahalan at oagkakaisa na siyang tunay na Diwa ng Pasko.
Sa hanay ng gobyerno, ayaw din daw ng Armed Forces of the Philippines na may putukan kung kayat nagdedeklara din ito ng ceasefire.
Pero nilinaw ng Kalihim, wala siya sa posisyon para magdeklara ng tigil putukan dahil ito ay kailangan magmula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sa hanay ng OPAPRU, nais nilang kapwa magkaroon ng ceasefire sa hanay ng militar at mga rebelde upang mamayani ang kapayapaan ngayong Holiday Season. | ulat ni Michael Rogas