Naging matagumpay ang isinagawang unang round ng negosasyon para sa double taxation agreement (DTA) sa pagitan ng Pilipinas at Lao People’s Republic (PDR).
Ayon sa Department of Finance (DOF) ang negosasyon ay bilang bahagi ng layunin na tapusin ang ASEAN DTA network sa ilalim ng ASEAN Forum on Taxation.
Layunin ng kasunduan na alisin ang double taxation s akita at pigilan ang mga pagkakataong ng non-taxation o nabawasang buwis sa pamamagitan ng tax evasion o avoidance sa mga cross border transactions ng mga Pilipino at Lao DPR.
Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, ang hakbang ay patunay na matibay ang pangako ng DoF na pangalagaan ang integridad ng sistema ng pagbubuwis sa pamamagitan ng pagresolba ng tax evasion.
Simbolo rin anya ito ng kolektibong hangarin na palakasin ang diplomatic relations ng dalawang bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes