Mabubura na ang milyon-milyong utang ng may 1,421 magsasakang benepisyaryo ng agraryo sa Cordillera Administrative Region na nagpahirap sa kanila sa maraming taon.
Ito’y matapos mag isyu ng 1,944 Certificates of Condonation with Release of Mortgages (CoCRoM) ang Department of Agrarian Reform na nagbubura sa P80.17-M halaga ng pagkakautang ng mga magsasaka.
Bukod dito, namahagi din ng 579 titulo ng lupa sa 515 ARBs ang ahensya na sumasakop sa 371.9 ektarya.
Matatagpuan ito sa mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province.
Ang inisyatibong ito ay hindi lamang nagdadala ng pangako sa legal ownership ng lupa kundi ng panibagong pag-asa para sa sustainable farming practices .
Nagkaloob ng P90-M halaga ng support services ang DAR ,tulad ng pagkumpleto sa pitong (7) farm-to-market roads at 193 unit ng farm machinery at equipment sa Cordillera Administrative Region. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DAR