Patuloy ang produksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga bagong perang papel at barya upang matugunan ang inaasahang pagtaas ng demand para sa pera ngayong kapaskuhan.
Ayon sa BSP, karaniwang tumataas ang pangangailangan para sa mga bagong malilinis na pera tuwing Pasko dahil sa tradisyunal na pagbibigay ng aguinaldo o cash gifts ng mga Pilipino sa kanilang mga inaanak, pamilya, at kaibigan.
Ipinaalala rin ng BSP na libre ang pagpapapalit ng mga perang papel at barya, kabilang ang mga hindi na akmang gamitin sa mga depository bank.
Hinihikayat din ng sentral bank ang publiko na subukang magpadala ng e-aguinaldo sa halip na pisikal na pera.
Ang electronic cash gifts ay mas maginhawa, mabilis, at sumusuporta sa layunin ng BSP na gawing mas digital at inklusibo ang ekonomiya ng Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz Reyes