Pinanatili ng Bicameral Conference Committee sa P733 million ang panukalang pondo ng Office of the Vice President para sa susunod na taon.
Hindi na ito nadagdagan sa kabila ng kahilingan ng ilang senador na madagdagan ng kahit P150 million ang OVP budget.
Matatandaang sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP) o ang panukalang pondo na binuo ng ehekutibo, nasa higit P2 billion ang pinapanukalang pondo para sa OVP pero tinapyasan ito ng kamara at ginawa na lang P733 million na in-adapt naman ng Senado.
Binigyang-diin naman ni Senate Committee on Finance Chairperson Senadora Gace Poe na capacitated pa rin naman ang OVP.
Mayroon pa rin naman aniyang P600 million ang OVP para sa kanilang social services program.| ulat ni Nimfa Asuncion