DepEd at CHED, nabawasan ang pondo sa bicam version ng 2025 budget — Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mula sa inapruhahang bersyon ng Senado ng panukalang 2025 national budget, nabawasan ang pondo para sa education sector pariktular para sa Department of Education (DepEd), Sommission on Higher Education (CHED) at State Universities and Colleges (SUCs).

Ito ang ibinahagi ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, matapos aprubahan ng Bicameral Conference Committee ang reconciled version ng 2025 national budget.

Ayon kay Gatchalian, hindi naaprubahan sa bicam ang P3 billion na pondong idinagdag ng Senado para sana matulungan ang mga SUC na mapondohan ang free higher education.

Habang P12 billion naman aniya ang nabawas sa pondo ng DepEd at P30 billion ang nabawas sa CHED budget.

Ani Gatchalian, nauunawaan naman niya ang paliwanag ni Senate President Chiz Escudero, na ginawa nila ang lahat para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng bawat ahensya ng gobyerno. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us