Muli na namang ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghango at pagkain ng shellfish mula sa Matarinao Bay sa Eastern Samar.
Batay sa ulat ng BFAR, muling nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poison o Toxic Red Tide ang Coastal Water.
Ang iba pang baybaying dagat na may kontaminasyon pa rin ng toxic red ay ang Bumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur; Coastal Waters ng Daram Island, Zumarraga Island, Irong-
Irong Bay sa Samar; Coastal Waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province; Coastal Waters ng Leyte, Leyte; Coastal Waters ng Biliran Islands sa Biliran Province; at Ormoc Bay sa Leyte.
Ligtas naman sa human consumption ang mga shellfish mula sa Coastal Waters ng Cavite, Las Pinas, Paranaque, Navotas Bataan at Bulacan sa paligid ng Manila bay. | ulat ni Rey Ferrer