Panukalang 2025 National Budget, niratipikahan na rin ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Niratipikahan na rin ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang Bicameral Conference Committee Report para sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon o ang 2025 General Appropriations Bill (GAB).

Sa naging botohan, nagpahayag ng hindi pagsang-ayon sa ratipikasyon sina Minority Leader Koko Pimentel at Deputy Minority Leader Risa Hontiveros.

Kapwa kinuwestiyon nina Pimentel at Hontiveros ang pag-alis sa Bicam ng ₱74-billion na government subsidy sana para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Pinuna rin ni Pimentel ang paglobo ng unprogrammed appropriations sa panukalang budget na inakyat ng Kongreso sa mahigit ₱531-billion mula sa ₱158.6-billion na nasa National Expenditure Program o sa pondong ipinanukala ng Malacañang.

Matapos ang ratipikasyon, sinabi ni Senate President Chiz Escudero na hindi perpekto ang kanilang inaprubahan na panukalang budget.

Bagamat mayroon aniyang mga nadismaya sa naging distribusyon ng buget ay kinailangan piliin ang uunahin.

Sa PhilHealth subsidy, sinabi ni Escudero na may ₱600-billion na sobra-sobrang pondo ang PhilHealth na hindi naman lubos na nagagamit para sa benepisyaryo kaya bakit pa aniya pa ulit bibigyan ng subsidy na ₱74-billion pesos.

Una nang sinabi ni Senate Committee on Finance Chairperson Senador Grace Poe na sinikap nilang tugunan sa binuong panukalang national budget ang pangangailangan ng sambayanang Pilipino. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us