300 bagong pulis sa Region 1, nanumpa sa tungkulin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanumpa sa tungkulin ang 300 na bagong patrolmen at patrolwomen ng Region 1 sa idinaos na oath-taking ceremony sa PRO-1 Grandstand, Camp BGen Oscar M. Florendo, Parian, San Fernando City, La Union nitong hapon ng December 11, 2024.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Lou F. Evangelista, PRO1 Regional Director, ang panunumpa ng mga bagong police recruits na binubuo ng 83 babae at 217 lalaki.

Sa mensahe ng Regional Director, pinayuhan nito ang mga police recruits na magsanay nang mabuti upang maging handa ang kanilang pisikal, mental, at espirituwal para sa mga hamong kinakaharap ng tungkulin ng isang pulis.

Inilarawan ni BGen. Evangelista ang police service bilang “higher calling” upang manguna sa paninilbihan sa bansa.

Nakatakdang sumailalim ang mga nanumpang police recruits sa anim na buwang Basic Recruit Course sa Regional Training Center 1 sa Aringay, La Union. | ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo

📸Police Regional Office 1

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us