Sunog, sumiklab sa isang commercial bldg sa Cubao, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkukumahog ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at fire volunteers para maapula ang sunog na sumiklab sa isang commercial building sa kanto ng Aurora Boulevard at EDSA sa Barangay Socorro, Cubao, Quezon City ngayong umaga.

Natukoy ang gusali bilang ang dating ACT Theater na sinasabing may Ukayan at mga tindahan sa unang palapag.

Sa inisyal na datos ng BFP, nakataas na sa unang alarma ang sunog bandang 6:37am.

Sa mga oras na ito, maitim pa rin at makapal ang usok na nagmumula sa nasusunog na gusali.

Dahil dito, inilikas na rin ang mga residente sa 40 palapag na Vivaldi Condominium at Eurotel na katabi lang ng gusali.

Nasa 300 indibidwal ang pinababa sa condo at hotel dahil bagamat hindi pa inabot ng sunog ang mga ito ay napuno na ng usok ang loob ng condo hanggang sa elevator.

Isinara na rin muna sa mga motorista ang kalsada pa-northbound ng EDSA simula sa Gen. Luna Avenue, Araneta Corner EDSA para magbigay daan sa mga bumberong nagdadatingan.

Pinaiiwas na rin maging ang mga pedestrian na dumadaan sa Cubao footbridge dahil inaabot na rin ito ng usok mula sa nasusunog na gusali. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us