DOJ, hinikayat si VP Sara na makipagtulungan sa NBI sa ginagawa nitong imbestigasyon sa kanyang pagbabanta vs. PBBM, First Lady Liza Marcos, at House Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na hinihikayat ng Department of Justice (DOJ) si Vice President Sara Duterte-Carpio na dumalo sa mga pagdinig sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng ginawa nitong pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. 

Kasunod ito ng pagtanggi ng Bise Presidente na maghain ng kanyang sagot kahapon sa NBI. 

Ayon kay Justice Undersecretary Jesse Andres, dapat umanong pagtiwalaan ni Duterte ang mga sangay ng gobyerno dahil ginagawa lamang nito ang kanilang trabaho. 

Kung hindi umano magsumite ng kanyang sagot ang Pangalawang Pangulo ay magbabase lamang ang NBI sa kung anong ebidensya ang nakuha nito na maaaring maging basehan para sa pagsasampa ng kaso. 

Kahapon ay muling inisnab ng Bise Presidente ang nakatakdang pagdinig ng NBI at sa halip ay ipinadala ang kanyang abogado. 

Sinabi ni VP Sara, sinunod lamang niya ang payo ng kanyang mga abogado na huwag makipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon dahil alam nilang hindi magiging patas ang NBI sa pagsisiyasat nito.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us