Bilang pakikibahagi sa pagsupil ng iligal na droga sa bansa, nakiisa ang Manila Electirc Company o Meralco sa “Buhay ay Ingatan at Droga ay Ayawan” program ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Lumagda ng Memorandum of Understanding ang naturang electric company katuwang ang iba pang mga pribadong sektor sa bansa upang makilahok sa nationwide campaign ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ayon kay Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, layon ng kanilang commitment sa DILG na makiisa ang kanilang kumpanya sa pagpapalaganap ng ‘drug free workplace’ mula sa bawat tanggapan ng Meralco kabilang din ang pagpapalaganap ng healthy work environment.
Handa namang tumulong ang Meralco sa anumang kakailanganing assistance ng DILG sa naturang programa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio