Mananatili pa rin ang pangalan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa balota bilang kandidatong Congressman ng 2nd District.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia, hanggat hindi pa pinal ang desisyon ng En Banc ay mananatiling kandidato si Teodoro.
Maaari pa rin daw maghain ng kanyang apela ang alkalde para kwestyunin ang naging desisyon ng 2nd Division ng Comelec.
Si Teodoro ay dinis-qualify ng Comelec matapos kwestyunin ni Senator Koko Pimentel ang residency ng alkalde sa Ikalawang Distrito ng Marikina. | ulat ni Michael Rogas