Partylist solon, naniniwalang dapat maging maingat sa usapin ng pagkakaloob ng clemency kay Mary Jane Veloso, upang hindi gamitin ng ilan sa ating mga kababayan abroad na gumawa ng krimen.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez na dapat maging maingat ang gobyerno sa usapin ng clemency ni MaryJane Veloso.

Ito ang pahayag ni Guttierez nang tanuning ng media kung makakakuha ba ng suporta ang inihaing House Resolution ng Makabayan bloc, para hilingin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagkalooban ng clemency si Veloso.

Ayon kay Gutierrez, hindi dapat maging pahiwatig ito sa ating mga kababayan na kukunsintihin ng pamahalaan ang mga kriminal na gawain na ginawa sa ibang bansa.

Ang mahalaga anya ay ligtas na ating kababayan sa parusang kamatayan at makakauwi na ng bansa si Veloso pero anya lilitisin pa rin siya ng ating batas.

Paliwanag pa ng partylist solon, kabilang sa mga mahalaga na malaman ay kung siya ba ay guilty sa ilalim ng ating batas, sapat pa ang oras na kanyang isinilbi sa bansang Indonesia—bagay na ikukunsidera ng House members para sa kanilang suporta. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us