Available na sa mas marami pang palengke at istasyon ng tren ang abot-kayang bigas sa pinalawak ng Kadiwa ng Pangulo kiosk ng Department of Agriculture.
Dagdag na lokasyon ang binuksan ng DA para mas mailapit sa mamimili ang P40 kada kilong bigas.
Kabilang sa mga bagong lokasyon para sa sulit na Rice-For-All (RFA) program ang mga ss:
Quezon City:
-North Avenue Station, MRT-3
-LRT-2 Araneta Center-Cubao Station, Aurora Blvd
-Murphy Public Market – 15th Ave. corner Liberty St.
-Balintawak Cloverleaf Market – EDSA corner Old Samson Road, Balintawak
Manila:
-LRT Recto Station – Claro M. Recto St.
-Pamilihang Bayan Ng Trabajo, 751 J. Marzan Street
Makati City:
-MRT-3 Ayala Station
Pasay City:
-Pasay City Public Market – Antonio Arnaiz Ave. corner Taft Ave.
Parañaque City:
-Pamilihang Bayan ng Bagong Parañaque (La Huerta)
Caloocan City:
-Maypajo Public Market – J.P. Rizal Street
Kaugnay nito, nakatakdang pangunahan din ngayong araw ni Agri Sec. Francisco Tiu-Laurel ang monitoring sa bentahan ng murang bigas sa Pasay City Public Market.
Bukas ang Kadiwa ng Pangulo kiosk kula Martes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa mga pampublikong palengke habang alas-3 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi sa mga piling istasyon ng MRT at LRT. | ulat ni Merry Ann Bastasa