Hindi kumportable si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa total ban ng pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait na isinusulong ng isang kongresista.
Sa media interview kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inihayag nitong kapag kasi ban, para bagang panghabang buhay na ang ibig sabihin nito na aniya’y hindi tama.
Pagbibigay diin ng Chief Executive, baka dumating din ang panahon na mabago ang sitwasyon at maaari na namang magpadala ng Pinoy workers sa Kuwait.
Wika pa ng Pangulo, ” I don’t want to burn any bridges” at ang mabuting reaksyon marahil aniya ay tanggapin ang desisyon ng Kuwaiti government na huwag na munang mag-isyu ng visa sa mga bagong OFW na papasok sa kanilang bansa.
Sa gitna nito’y umaasa ang Pangulo na magkakaroon pa ng negosasyon sa pamahalaang Kuwait sa harap ng mga itinatakbo ng pangyayari. | ulat ni Alvin Baltazar