DSWD, nagdeploy ng psychosocial responders’ para tulungan ang mga kabataan sa Kanlaon evacuation centers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumasailalim na sa psychosocial intervention ng Department of Social Welfare and Development ang mga kabataan at iba pang vulnerable individuals sa mga evacuation center sa Negros Island.

Nagdeploy ng psychosocial first aid responders ang DSWD Field Office 6 sa Western at Field Office 7 sa Central Visayas para matulungan lalo na ang mga bata para makayanan ang dinanas na trauma ng pumutok ang bulkang Kanlaon.

Sa La Carlota City, Negros Occidental katuwang ng DSWD Field Office 6 ang lokal na pamahalaan sa pagsagawa ng story-telling activities sa mga bata.

Katuwang din ng DSWD Field Office 7 ang LGU sa Kanlaon City, Negros Oriental sa psychosocial activities sa mga kabataan na nasa Macario Española Memorial School evacuation center.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kabuuang 4,456 pamilya o katumbas ng 15,026 katao ang nakakanlong sa 27 evacuation centers sa Regions 6 at 7.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us