Pamilya ng mga Pilipinong crew na nasawi sa tumaob na Chinese fishing vessel, tutulungan ng gobyerno — Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya at malalapit sa buhay ng mga biktima ng tumaob na Chinese fishing vessel sa Indian Ocean, alas-tres ng madaling araw, ika-16 ng Mayo.

Sa maikling mensahe ng pangulo, tiniyak nito ang kahandaan ng national government na alalayan at mag-aabot ng kinakailangang tulong sa pamilya ng mga biktima.

“Nakikiramay tayo sa mga pamilya ng mga kababayan nating nasawi sa tumaob na fishing vessel sa Indian Ocean noong ika-16 ng Mayo. Nakaantabay ang ating pamahalaan para sila’y alalayan.” —Pangulong Marcos.

Kung matatandaan mula sa 39 na crew members ng vessel na nasawi, lima dito ang Pilipino.

17 ang Chinese nationals habang 17 rin ang Indonesian nationals.

Kaugnay nito, nagpaabot rin ng pasasalamat ang pangulo sa search at rescue teams ng Australia at China na tumulong sa pagsasagawa ng extensive operations, sa gitna ng masamang panahon.

“We also extend our gratitude to the Australian and Chinese search and rescue teams for conducting extensive operations in spite of the unforgiving weather.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us