LGU La Castellana, may apela sa mga bibibili ng mga alagang hayop ng mga residente na apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela ang lokal na pamahalaan ng La Castellana na huwag samantalahin ang mga hog raisers na kasalukuyang apektado ng abnormal na aktibidad ng Bulkan Kanlaon.

Ayon sa LGU, inilipat na ang mga alagang hayop sa mga livestock shelter para sa kanilang kaligtasan kasunod ng isinagawang mass evacuation ngunit may mga residenteng napipilitang ibenta ang kanilang mga hayop. Hiling ng LGU, bilhin ang mga ito sa tamang halaga upang matulungan na rin ang mga magsasaka.

Binibigyang-diin din ng pamahalaan ang respeto sa kabuhayan ng mga hog raisers at nagpasalamat naman sa mga mamamayang nakikiisa at tumutulong sa panahon ng krisis.

Matatandaan na itinaas sa Alert Level 3 ang Bulkan Kanlaon kasunod ng pagputok nito noong Disyembre 9. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-KM Expanded Danger Zone ng Bulkan. | ulat ni Hope Torrechante| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us