Nakahanda na ang disaster response units ng Philippine Red Cross sa ibat ibang bahagi ng bansa upang tumulong sa government response ng pamahalaan sa pagpasok ng bagyong Mawar sa bansa.
Ayon kay Philippine Red Cross Chairperson Richard Gordon na lahat ng Red Cross chapter sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nakahanda at at naka-pre-position na sa pagpasok ng naturang bagyo.
Dagdag pa ni Gordon na may mga nakahanda na ring food packs ang kanilang tanggapan na handang ipamigay sa mga maaapektuhan ng pagpasok ni Mawar.
Muling nanawagan si Gordon sa publiko na makipag-coordinate sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan sa mga magiging sitwasyon ng kanilang bayan o lungsod at makinig sa mga abiso mula sa kanilang local officials. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio