110,000 byahero kada araw, inaasahan ng Bureau of Immigration ngayong Holiday Season 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng pumalo sa 110,000 ang mga bibyahe kada araw ng mga lalabas at papasok ng Pilipinas ngayong Holiday Season. 

Ito ang pagtaya ng Bureau of Immigration matapos pumalo sa 53,000 ang weekly arrivals noong 2023.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, mas marami na ang bibyahe ngayong taon lalo pa at wala nang mga health restriction matapos ang pandemic. 

Sinabi nya na noong 2019, umaabot sa 55,000 ang daily arrivals habang 47,000 ang mga umaalis sa panahon ng Holiday Season. 

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga byahero, kanselado na ang lahat ng mga leave application ng mga kawani ng Bureau of Immigration habang ang ilang mga empleyado sa Central Office sa Intramuros Manila ay ide-deploy muna sa mga counter ng mga paliparan.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us