Hinikayat ng Department of Health (DOH) na dapat din daw may nakahandang first aid kit sa bawat tahanan ngayong Holiday Season.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, hindi lamang mga pagkain ang inihahanda sa panahong ito, kundi ang mga paunang lunas kapag may emergency situation.
Bukod dito, dapat ay maging listo rin ang bawat isa at alam kung ano ang mga unang hakbang kapag may sakuna.
Sa pagtaya ng DOH, dumarami ang mga nao-ospital kapag ganitong panahon lalo pa at kaliwat-kanang ang mga kasiyahan o pagdiriwang para sa Holiday Season. | ulat ni Mike Rogas