Naging matagumpay ang pagdaraos ng ika-limang Konsyerto sa Palasyo, para sa taong ito, na mayroong temang “Para sa Pelikulang Pilipino” na inihanda ng Malacañan upang kilalanin ang mga nasa likod ng Pelikulang Pilipino.
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta – Marcos ang kaganapan.
Present rin sina Rep Sandro Marcos, Tourist Secretary Christina Frasco, NSA Eduardo Año, Transportation Secretary Jaime Bautista, Foreign Affairs Sec Enrique Manalo, at ilan pang mambabatas.
Ngayong gabi (December 15), inimbitahan sa Kalayaan Grounds ang mga batikan at kasalukuyang artista sa Philippine film industry.
Ilan lamang sa mga dumalo ay sina Tirso Cruz III, Susan Africa, Francine Diaz at Seth Fedelin, Sue Ramirez, Cristine Reyes, Lorna Tolentino, Gladys Reyes, Enrique Gil, JC Santos, Christopher de Leon, at Maricel Soriano.
Itinampok ngayong gabi ang world-class performing artists na sila Dane Mercado, Molly Langley, Jon Joven, Gian Magdangal, at Zsa Zsa Padilla.
Habang nag-tanghal rin ang Sindaw Philippines Performing Arts Guild.
Kinilala rin ang mga artista at pelikulang Pilipino na nakipagsabayan sa international stage, tulad ng Hello Love Again, na gumawa ng kasaysayan, matapos tanghalin bilang highest grossing Filipino film, kung saan sa loob lamang ng sampung araw, kumita ito ng higit P1.4 billion. | ulat ni Racquel Bayan