Aabot na sa 19,881 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa tuloy-tuloy na distribusyon ng relief packs sa mga naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Kabilang sa naabutan ng food packs ang mga residente sa Western at Central Visayas.
Pinakamalaki ang nailaan sa Region 6, kung saan maraming pamilya ang inilikas. Aabot sa higit 13,000 ang ipinamahaging food packs dito.
Kaugnay nito, aabot na rin sa P22.2-M ang halaga ng naipamahaging humanitarian assistance ng DSWD sa mga apektado ng Mt. Kanlaon Eruption. | ulat ni Marry Ann Bastasa