Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na kanila nang ipamamahagi ang pinakaaabangang Service Recognition Incentive (SRI) sa mga Public School Teacher at Non-Teaching Personnel simula December 20.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang DepEd ang pinakaunang ahensya na magpapalabas ng Php 20,000 at ito rin ang maituturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng Kagawaran.
Matapos ilabas ang Administrative Order No. 27 mula sa Office of the President, sinabi ni Angara na agad na pinroseso ang mga requirement para sa disbursement nito.
Nagpasalamat naman si Angara kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Budget Secretary Amenah Pangandaman para sa naturang pondo na napakalaking tulong para sa mga nasa sektor ng edukasyon.
Unang ibabagsak ang pondo sa DepEd Central Office at saka ida-download ang pondo sa mga Regional Office nito. | ulat ni Jaymark Dagala