BIR, inireklamo ng tax evasion ang illegal traders ng sigarilyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inireklamo ng BIR sa DOJ ng tax evasion ang 69 illegal traders ng sigarilyo.

Ang reklamo ay nag-ugat sa nationwide raid ng BIR sa iba’t ibang tindahan at warehouses ng sigarilyo noong Enero.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., tinatayang P1.8 billion ang nawalang kita sa gobyerno dahil sa nasabing illicit trading ng sigarilyo.

Ilan aniya sa mga nakumpiskang sigarilyo ay walang tax stamps o kaya naman ay peke ang tax stamps na nangangahulugan na hindi nagbayad ang manufacturers o traders ng mga kaukulang buwis.

Aabot naman aniya sa P50 bilyon hanggang P100 bilyon kada taon ang nalulugi sa pamahalaan dahil sa paglusot ng mga pekeng sigarilyo.

Sinabi ni Lumagui na iniimbestigahan at hinahanap din ng BIR ang mga supplier at ang mga gumagawa ng mga pekeng sigarilyo.

Batay aniya sa impormasyon ng BIR, malaking sindikato ang gumagawa ng mga nasabing sigarilyo. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us