Pinangunahan nila San Juan City Mayor Francis Zamora at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman, Atty. Don Artes ang pagbubukas ng Greenhills-West Crame connector road sa San Juan City
Matatagpuan ito sa Eisenhower street na sakop ng Brgy. Greenhills malapit sa Club Filipino na dating dead-end street
Ayon kay Mayor Zamora, makatututlong ang pagbubukas ng nasabing lansangan upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod
Ito ang mag-uugnay sa bahagi ng Greenhills at 3rd street sa Brgy. West Crame palabas ng Boni Serrano, sa likod lamang ng Kampo Crame
Samantala, sinabi naman ni Artes na ang naturang kalsada ay magiging bahagi ng Mabuhay lanes kung saan, mahigpit na ipatutupad ang No Parking Zone at sakop ng wheel clamping ordinance ng Lungsod
Kasabay nito, pinasinayaan na rin ng San Juan LGU ang Wilson e-trike system na layong bigyan ng alternatibo at eco-friendly na masasakyan ang mga pasahero na dumaraan dito
Ang e-trike system ay mayroong 4 na pick-up points partikular na ang UniMart Greenhills, Cardinal Santos Medical Center, G Square at PUP-San Juan na sakop ng Club Filipino, Wilson street, P. Guevarra, Ortega street at Mabini street loop
Bilang pamaskong handog, inanunsyo ni Zamora na libre muna sa mga pasahero ang pamasahe rito mula ngayong araw hanggang sa Disyembre a-31
Pagpasok naman ng Enero a-1, Php 9 ang minimum na pasahe sa nasabing e-trike system para sa unang kilometro habang dagdag Php 1.00 naman sa mga susunod. | ulat ni