Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkatatag ng MAKABATA Program at MAKABATA Helpline 1383.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 79 na bumuo ng nasabing programa.
Alinsunod sa EO 79, ang ahensya ang magsisilbing tagapagpatupad ng MAKABATA Program, isang one-stop system na tutugon at magmo-monitor sa lahat ng isyu na may kaugnayan sa kabataan o children in need of special protection (CNSPs).
Ayon kay DSWD Spokesperson at Assistant Secretary Irene Dumlao, magsisilbi naman bilang overall coordinating at monitoring body ang Council for the Welfare of Children para sa implementasyon ng programa.
Kabilang sa mga mahahalagang components ng programa ang reporting, rescue and relief, rehabilitation, at reintegration ng CNSPs.
Layon din ng programa, na mabigyan ng solusyon ang isyu ng karahasan laban sa kabataan tulad ng child labor, child sexual abuse o exploitation maging ito ay online o offline setting, at child trafficking. | ulat ni Rey Ferrer