NMIS, nagpaabot ng tulong sa mga sinalanta ng kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng tulong ang National Meat Inspection Service (NMIS) sa mga sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

Ang bigay na tulong ay inisyatiba ng mga kawani ng NMIS na nag organisa ng donation drive na hango sa diwa ng pag-asa at pagbibigayan ngayong kapaskuhan.

Nakalikom ang mga nagkaisang mga kawani ng mga food at non-food items, para ipamigay sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Inilipat na ang mga donasyon sa Caritas Manila, bilang tanda ng dedikasyon ng NMIS sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Naniniwala ang ahensya, na ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pagiging bukas-palad at bayanihan, kahit sa panahon ng kahirapan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us