Pumirma na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at ang San Miguel Infrastructure sa isang 25-year contract of lease para sa pagamit ng 15-hectare Nayong Pilipino property ng PAGCOR sa Pasay City.
Ayon sa PAGCOR, ang isa sa malaking konsiderasyon sa nasabing kasunduan ay pagtatayo ng bagong corporate office building ng PAGCOR sa two-hectare portion ng naturang property.
Paliwanag ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco – na ang kanilang bagong opisina ay may laki na 40,000 sqm at may karagdagang 15,000 sqm kung saan may kabuuang halaga na 2.45 Billion pesos na sagot ng SMC.
Dagdag pa ni Tengco na ang bagong building ng PAGCOR ay simbulo ng commitment nito na gumawa ng world-class work environment para sa kanilang mga tauhan, na isang repleksyon ng kanilang pagkakakilanlan, core values, at aspirations. | ulat ni Lorenz Tanjoco