Umapela si Senadora Imee Marcos kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na rebyuhin at pag-aralang mabuti ang panukalang 2025 national budget na pinasa ng Kongreso bago ito lagdaan.
Kabilang sa mga pinaparebyu ni Senadora Imee kay Pangulong Marcos ay ang panukalang pondo para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) program ng DSWD.
Ipinunto ng mambabatas na wala namang alokasyon para sa AKAP sa ilalim ng national expenditure program (NEP) o ang orihinal na panukalang pambansang pondo na nanggaling sa malakanyang.
Base sa inaprubahang bersyon ng 2025 general appropriations bill (GAB), P26 billion ang inilaan para sa AKAP kung saan P21 billion ang para sa referral ng mga kongresista at P5 billion ang para sa mga senador.
Umaasa rin si Senadora Imee na hindi naman magiging zero ang subsidy ng pamahalaan para sa PhilHealth sa susunod na taon at tinukoy rin nito ang paglobo sa isang trilyong piso ng panukalang pondo ng DPWH. | ulat ni Nimfa Asuncion