Hindi magdedeklara ang Philippine National Police (PNP) ng Suspension of Offensive Police Operations (SOPO) laban sa mga communist terrorist group upang maiwasan ang anumang kaguluhan na maaaring mangyari sa pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson PBGen. Jean Fajardo na nakataas ang alerto ng pulisya sa lahat ng rehiyon laban sa posibleng pag-atake ng mga communist terrorist group.
Ayon kay Fajardo, aral mula sa nakaraan na ginagamit ng mga komunistang grupo ang SOPO bilang pagkakataon para manggulo at mag-iwan ng karahasan.
Kaya mula sa 41,000 pulis na ikinalat ay itinaas ito ng PNP sa mahigit 47,000 sa buong bansa at naka-heightened alert na sila simula December 15.
Tiniyak ng PNP na patuloy ang kanilang pagtugon sa anumang emergency sa ilalim ng “Ligtas Paskuhan 2024” operations.| ulat ni Diane Lear