Kinumpirma ng Malacañang ang nalalapit na pag-uwi ng death row convict na si Mary Jane Veloso sa Pilipinas.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, lubos ang pasasalamat ng bansa sa pamahalaan ng Indonesia para sa pagsasakatuparan nito.
“With much appreciation and gratefulness to the Republic of Indonesia, we confirm the imminent return of our kababayan, Mary Jane Veloso.” —ES Bersamin.
Kikilalanin aniya ng Pilipinas ang mga kondisyon para sa paglilipat ng hurisdiksiyon ni Veloso sa Pilipinas.
Ang pag-uwi aniya ni Veloso ay bunga ng mahigit isang dekadang patuloy na pakikipag-usap ng pamahalaan ng Pilipinas, konsultasyon, at diplomasya.
“Duty-bound as we are to honor the conditions for her transfer to Philippine jurisdiction, we are truly elated to welcome Mary Jane back to her homeland and family, from whom she has been distanced for too long.” —ES Bersamin.
Si Veloso ay nakatakdang bumalik ng Pilipinas sa ika-18 Disyembre, alas 6 ng umaga.| ulat ni Racquel Bayan